Bagyong Goni (Ineng) di tatama sa bansa, Bagyong Atsani, sasalpok sa Japan
Lalo pang lumakas ang bagyong Goni.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Meno Mendoza, na mula sa 85 kilometers per hour, taglay na ngayon ng bagyong Goni ang hangin na 100 kilometers per hour at pagbugso ng 130 kilometers per hour.
Namataan ang bagyo sa layong 2,515 kilometers, silangan ng Southern Luzon.
Tinatahak ng bagyong Goni ang west northwest direction sa bilis na 15 kilometers per hour.
Ayon kay Mendoza, sa Miyerkules, inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Goni subalit malabo itong mag-landfall.
Hindi inaalis ng PAGASA, ang posibilidad na lalo pang lumakas ang bagyong Goni, dahil sa ngayon ay nananatili ito sa karagatan.
Tatawaging ‘Ineng’ ang bagong Goni pagpasok nito sa PAR. Ayon kay Mendoza, binabantayan din ngayon ng PAGASA ang isa pang bagyo na tinatawag na Atsani na nasa likod ng bagyong Goni.
Pero ayon kay Mendoza, maaring hindi tamaan ng bagyong Atsani ang Pilipinas at malaki ang tsansa na mag –landfall sa bansang Japan.
Taglay ng bagyong Atsani ang hangin na 85 kilometers per hour at pagbugso na 100 kilometers per hour. Ayon kay Mendoza, wala naman tsansa na magsanib puwersa ang dalawang bagyo./ Chona Yu
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.