Panukalang 10-year validity ng mga passport, lusot na sa Kamara
Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong pahabain hanggang sa sampung taon ang validity ng mga pasaporte.
Sa ilalim ng House Bill 4767, inaamyendahan ang Republic Act 8239 o Philippine Passport Law na nagbibigay lamang ng limang taong validity sa mga Philippine passport.
Gayunman, isinasaad rin sa panukalang batas na maaring bawasan ng DFA ang validity ng kanilang ilalabas na pasaporte kung menor de edad ang kukuha nito.
Sa paglusot ng panukala sa Kongreso, isusumite na ito sa Senado para sa kanilang ‘concurrence’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.