Kaso laban sa mga DOJ officials inihahanda na ni Sen. De Lima
Sasampahan ng kaso ni Sen. Leila de Lima si Justice Sec Vitaliano Aguirre II sa Office of the Ombudsman.
Sinabi ni de Lima na ito ay may kaugnayan sa pagpipilit sa mga testigo laban sa kanya, kasama na ang mga tinaguriang Bilibid boys.
Nagpahiwatig pa ang senadora na maaring gamitin na rin niyang basehan ang mga iskandalong kinasasangkutan ni Aguirre kasama na ang memo na nagbibigay ng VIP treatment sa mga Bilibid boys.
Samantala, sinabi ni de Lima na hindi pa siya sigurado na lalabas na ngayon araw ang resolusyon ng five-man panel ng DOJ na bumusisi sa mga kasong isinampa laban sa kanya.
Muling iginiit ni de Lima na maling hakbang kung ididiretso ito sa korte bagamat aniya may impormasyon siya na ang ilan ay isasampa sa Ombudsman.
Paliwanag ng senadora alam nina Aguirre na kapag dumiretso sila sa Ombudsman ay magsasagawa pa ng independent assessment ang mga graft investigators.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.