Mga magnanakaw, mas may pag-asang magbago kaysa sa mga killer – Rep. Umali

By Kabie Aenlle February 13, 2017 - 04:28 AM

 

Inquirer file photo

Naniniwala si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na mas may posibilidad pang mag-bago ang isang magnanakaw, kumpara sa isang mamamatay-tao.

Ito ang paninindigan ni Umali nang depensahan niya ang pag-tanggal sa kasong plunder sa listahan ng mga heinous crimes na mapaparusahan ng bitay sakaling maipatupad muli ang death penalty.

Giit ni Umali, mas malaki ang tsansa na magbago ang isang tao kung ang isyu lang ay pera, ngunit ang pagpatay mismo ay isa nang heinous crime.

Magkaiba aniya ang dalawang krimen dahil sa pagpatay, tila nawawala na sa sarili ang gumagawa nito.

Ayon pa kay Umali na pinuno rin ng House committee on justice, bagaman talagang masama ang mabulag sa pera, naniniwala naman siyang magbabago ang isang tao oras na madala ito.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Umali na hindi naman niya sinasabing hindi isang krimen ang plunder, at nananatili pa rin aniya itong isang mabigat na krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.