50 naospital, byahe ipinahinto sa Hamburg airport dahil sa nakasusulasok na amoy

By Jay Dones February 12, 2017 - 09:40 PM

 

hamburg airportHindi bababa sa 50 katao ang isinugod sa pagamutan sa Hamburg, Germany makaraang makalanghap ng hindi pa matukoy na nakasusulasok na hinihinalang kemikal sa loob ng Hamburg airport.

Marami sa mga naapektuhan ng nakasusulasok na amoy ay nakaranas ng hirap sa paghinga, pananakit ng mata at pagsusuka.

Bukod sa 50 nadala sa ospital, daan-daang pasahero rin ang pinalikas palabas ng naturang paliparan sa gitna ng mala-yelong temperature dahil sa amoy na hinihinalang kumalat mula sa airconditioning system.

Napilitan rin ang mga otoridad ng Hamburg airport na pansamantalang ipahinto ang mga flights palabas at papasok ng Hamburg dahil sa insidente.

Muli lamang napanumbalik ang operasyon ng paliparan makalipas ang mahigit dalawang oras.

Inaalam pa rin ng mga otoridad kung anoing uri ng kemikal ang pinagmulan ng naturang nakasusulasok na amoy na nalanghap ng mga biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.