Pinsala ng lindol sa Surigao Del Norte, umaabot na sa P67.8 milyon
Tinatayang abot sa P67.8 milyong piso ang inisyal na tala ng pinsala resulta ng magnitude 6.7 na lindol sa na yumanig sa Surigao Del Norte nitong Byernes.
Ito ang tinanggap na ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lalawigan nang magtungo doon ang Pangulo kahapon.
Gayunman, hindi pa kasama sa naturang halaga ang pinsala na idinulot ng lindol sa ilan pang lansangan at tulay at maging sa paliparan sa lalawigan.
Samantala, ayon naman sa Department of Education, umaabot sa P7.6 milyon ang pinsalang idinulot ng pagyanig sa mga gusali at silid-paaralan sa Surigao Del Norte.
Nagpapatuloy pa ang pagkalap ng impormasyon ng pamahalaan sa halaga ng pinsala na idinulot ng lindol sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.