(3rd UPDATE) Dalawang sunog, nagaganap sa QC at Pasig

By Isa Avendaño-Umali February 12, 2017 - 04:05 PM

QC SUNOG(3rd UPDATE) Hindi bababa sa dalawang daang bahay ang natupok sa malaking sunog sa Barangay Damayan Lagi, sa E. Rodriguez, Quezon City.

Dahil dito, tinatayang nasa isang libo at limang daang pamilya ang apektado bunsod ng sunog na ini-akyat sa Task Force Alpha.

Aabot naman sa tatlong daang bahay ang tinupok ng apoy sa naturang lungsod.

Isinara ang E. Rodriguez Avenue para sa mga motorista, dahil sa sunog sa Barangay Damayan Lagi.

Batay sa spot report ng Bureau of Fire Protection, nag-umpisa ang sunog sa isang kwarto ng tatlong palapag na residential structure na pag-aari ng isang Ryan Cano.

Sa kasagsagan naman ng sunog, isang lalaki na hinihinalang magnanakaw ang bugbog-sarado.

Hinuli siya ng mga pulis at dinala sa prisinto.

Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng malaking sunog sa Barangay Damayan Lagi.

Samantala, isa pang sunog ang tumutupok sa hilera ng mga kabahayan sa Urbano Velasco Vicper Compound, Bgy, Malinao Pasig City.

Ayon sa Pasig City Public Information Office, umakyat sa 5th alarm ang naturang insidente bago inilagay sa Fire Under Control status dakong alas 5:04 ngayong hapon lamang.

Tinatayang aabot naman sa dalawang daang pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa naturang sunog.

Ayon kay City Fire Marshall Superintendent Arturo Marcos, hindi bababa sa isandaang bahay ang tinupok ng apoy sa Barangay Malinao.

May napaulat din na tatlong indibiduwal na nasugatan dahil sa insidente.

Sa ngayon ay inaalam na ng mga otoridad ang pinagmulan ng naturang sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.