5 sa 6 na nasawi sa malakas na lindol sa Surigao City, nakilala na
Nakilala na ang lima sa anim na nasawi sa pagtama ng malakas na lindol sa Surigao City noong nakaraang Biyernes.
Batay sa impormasyon mula sa Caraga Regional Hospital, ang pangalan ng limang nasawi ay sina:
1. Lorenzo Deguino, 86 yrs old mula sa Brgy. Poctoy
2. Justina Roda, 83 yrs old mula sa Brgy. Bonifacio
3. Grobert Eludo, 40 yrs old mula sa Brgy. Bilabid
4. Wilson Lito, 35 yrs old mula sa Brgy. Nonoc
5. JM Ariar, 4 yrs old mula sa Sitio Aton, Brgy. Ipil
Samantala, ayon kay Dr. Cheryll Gotinga ng Caraga Regional Hospital, aabot sa 143 na mga nasugatan sa lindol ang kasalukuyang nilalapatan ng lunas.
Dahil sa malakas na lindol, isinailalim na sa state of emergency ang buong Surigao City at inilagay na sa “code blue” alert ang lahat ng ospital sa lungsod.
Inaahasan naman na magtutungo at mag-iikot ngayong araw sa lungsod si Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong Biyernes ng gabi, niyanig ng 6.7 magnitude na lindol ang Surigao City kung saan umabot sa anim katao ang nasawi at marami ang nasugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.