Surigao City, patuloy na nakakaramdam ng aftershocks kasunod ng magnitude 6.7 na lindol
Patuloy na nakakaramdam ng aftershocks ang Surigao del Norte bunsod ng 6.7 magnitude na lindol na tumama sa probinsya noong Biyernes.
Simula kahapon, umabot na sa mahigit talumpung aftershocks ang naitala sa Surigao City.
Dahil dito, nanatili sa mga kalsada ang mga apektadong residente kung saan karamihan ay nakapuwesto sa labas ng provincial capitol.
Sinabi ng Philvocs na asahan ang mga sunud-sunod na malalakas na aftershocks na posibleng tumagal hanggang sa buwan ng Marso.
Samantala, bagaman unti-unti nang ibinabalik ang suplay ng kuryente sa probinsya, marami pa rin mga lugar ang wala pang kuryente dahil sa nasirang electric posts at power lines.
Maging ang munisipalidad ng San Francisco, na pinaka tinamaan ng malakas na lindol ay wala pa rin suplay ng kuryente.
Bukod dito, problema din ang suplay ng tubig sa maraming lugar sa Surigao City dahil sa kawalan ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.