Suspek sa nightclub attack sa Turkey noong Bagong taon, arestado
Arestado ang hinihinalang suspek sa nangyaring nightclub attack noong Bagong taon sa Istanbul, Turkey na ikinamatay ng tatlumpu’t siyam na katao.
Nahuli si Abdulkadir Masharipov, isang Uzbek national, sa kaniyang ‘hide-out place’ sa lungsod noong January 16, 2017 matapos pagtaguan ang pulisya nang halos dalawang linggo.
Batay sa ulat ng Anadolu news agency, nais ng prosecutor na sampahan ang suspek ng kasong murder, rebelyon at ang pagiging miyembro sa isang teroristang grupo.
Ayon pa otoridad, nagka-ensayo si Masharipov sa Afghanistan kung saan naging utak ng mga pag-atake ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Samantala, inako naman ng ISIS ang responsibilidad sa naturang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.