Mahigit 300 kabahayan, naitalang nasira sa lindol sa Surigao – DSWD

By Angellic Jordan February 12, 2017 - 02:26 AM

Surigao Quake3Aabot sa tatlong daang kabahayan ang nasira nang tumamang 6.7 magnitude na lindol sa Surigao del Norte, Biyernes ng gabi.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mahigit 326 na bahay ang sira sa dalawampu’t walong barangay sa Surigao City at mga bayan ng Mainit, San Francisco at Sison.

Samantala, nakahanda naman ang 1.6 bilyong pisong pondo ng DSWD upang mag-abot ng tulong sa mga apektadong residente matapos ang naturang trahedya.

Inaasikaso na rin ng ahensya ang pagpapadala ng mahigit 2,500 galon ng tubig sa Barangay Taft kung saan naitala ang pinakamaraming bilang ng mga nasirang kabahayan at mga residenteng nagpapalipas sa kalsada.

TAGS: 1.6 bilyong pisong pondo, dswd, surigao del norte, 1.6 bilyong pisong pondo, dswd, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.