Surigao City inilagay na sa state of calamity
Isinailalim na ng Surigao City Council ang buong lungsod sa state of calamity.
Ito ang nakapaloob sa resolution 23-2017 ng konseho kasunod ng 6.7 magnitude na lindol na tumama sa lungsod kagabi na naka apekto sa 54 Barangay nito.
Ang nasabing deklarasyon ay alinsunod sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction Management Council matapos na madetermina na naapektuhan nito ang 20-porsyento ng populasyon ng Surigao City na nangangailangan agarang tulong.
Base sa tala ng Surigao City local government, umaabot na sa pito ang bilang ng nasawi at 120 ang nasaktan sa lindol na nakapinsala din ng hindi pa malamang halaga ng mga ari-arian.
Ang resolusyon ay nilagdaan ni Surigao City Mayor Ernesto Matugas, Vice Mayor Alfonso Casurra at Nenita G. Loayon na siyang City Council Secretary.
Marami pa ring mga residente ang hindi bumabalik sa kanilang mga tahanan dahil sa mga bitak na kanilang nakita pagkatapos ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.