Patay sa lindol sa Surigado Del Norte umabot na sa 4
Kinumpirma ni Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo na umakyat na sa 4 ang bilang ng mga namatay dahil sa magnitude 6.7 na lindol kagabi.
Karamihan sa mga biktima ay nabagsakan ng mga debris ayon sa inilabas na ulat ng Surigao Del Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO).
Ang mga biktima ay kinilalang sina kinilalang sina Roberto Eludo Jr, JM Ariar, Lito Wilson at Lorenzo De Guinio.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin na nangangalap ng mga dagdag na impormasyon ang pamahalaang lokal ng Surigao Del Norte kaugnay sa mga naapektuhan ng pagyanig.
Nananatili naman sa mga pagamutan ang mahigit sa 100 mga sugatan ayon pa sa nasabing opisyal.
Sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sinabi ni Sec. Judy Taguiwalo na may sapat na mga pagkain para sa mga apektado n lindol lalo’t maraming mga pamilihan sa lalawigan ang hindi nagbukas ngayong araw.
Nauna na kasing ipinag-utos ni Gov. Sol Matugas ang inspeksyon sa mga gusali bagao ito buksan sa publiko para na rin sa kanilang kaligtasan.
Sa kasalukuyan ay nararamdaman pa rin ang mga aftershocks sa malaking bahagi ng Surigao Del Norte kasunod ng malakas na lindol.
Pasado alas-diyes kagabi nang maramdaman ang lindol na may lalim na apat na kilometro lamang kung saan ang epicenter ay naitala sa Surigao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.