Philvocs: Aftershocks sa Surigao provinces mararamdaman hanggang sa Marso
Nakapagtala na ang Philippine Volcanology and Seismology (Philvocs) ng mahigit sa 100 na aftershocks kasunod ng naganap na magnitude 6.7 na lindol sa Surigao City 10:03 kagabi.
Sinabi rin ni Philvocs Director Renato Solidum na dahil apat na kilometro lamang ang lalim ng lindol kaya naging malakas ang pagyanig.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na posibleng maganap ang sunud-sunod na mga aftershocks ng hanggang sa buwan pa ng Marso.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa apat ang bilang ng mga namatay habang mahigit sa 100 ang mga naitalang sugatan.
Marami pa rin ang sinasabing hindi umuuwi sa kanilang mga tahanan dahil sa pangamba na baka magkaroon ng tsunamin bagay na binabantayan ngayon ng mga local officials sa lugar.
Sa ulat ng Philvocs, naramdaman din ang pagyanig hanggang sa mga lalawigan ng Cebu, Leyte at Bohol.
Kagabi ay ipinag-utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mabilis na pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta at naapektuhan ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.