4 patay, halos 100 sugatan sa magnitude 6.7 na lindol sa Surigao City

By Kabie Aenlle February 11, 2017 - 02:59 AM

surigao city by danilo adorador II 2
Photo by: INQUIRER, Danilo V. Adorador II

(Update) Apat na ang naitalang patay, habang halos 100 na ang nasugatan dahil sa pagtama ng magnitude 6.7 na lindol sa Surigao City sa Surigao del Norte kagabi ayon kay Vice Mayor Alfonso Casura.

Umabot na sa 96 ang kabuuang bilang ng mga nasugatan kaninang alas-3:00 ng madaling araw, at isinugod ang mga ito sa tatlong ospital sa Surigao City.

Kabilang dito ang 71 sugatan na isinugod sa Caraga Regional Hospital, na nag-taas na ng Blue Code Alert status.

Dahil naman sa Intensity 6 na naramdaman sa Surigao City, ilang gusali ang naitalang napinsala at gumuho, kabilang na ang Parkway Hotel.

Bukod dito, isang maliit na gusali ng elementary school ang umano’y gumuho, habang nabagsakan naman ng mga debris ang isang nakaparadang sasakyan.

Isang tulay rin ang sinasabing napinsala, pati na ang ilang kalsada sa mga lugar na niyanig ng lindol.

Isang bahay naman sa Surigao City na may tatlong palapag ang gumuho, at isang 86-anyos na matandang lalaki ang nadaganan ng mga debris.

Bumagsak kasi ang ikatlong palapag nito sa lupa dahil sa lakas ng lindol, at sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang rescue operations ng mga otoridad sa gumuhong bahay.

Nawalan rin ng kuryente sa Surigao City at sa mga kalapit na bayan tulad ng Malimono, Mainit, Sison, San Francisco at Taganaan sa Surigao del Norte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.