Dating PHLPost Chief Josie Dela Cruz, nagpiyansa sa kinakaharap na 15 kasong graft

By Alvin Barcelona February 10, 2017 - 08:07 PM

sandiganbayan-0704Nagpiyansa na sa Sandiganabayan ang dating postmaster general na si Josie Dela Cruz.

Tugon ito ni Dela Cruz matapos ipag-utos ng Sandiganbayan na siya ay ipaaresto sa kaniya dahil sa kinakaharap niyang 15 bilang ng kasong paglabag sa GSIS Act.

Ang kaso ay may kinalaman sa hindi umano pagre-remitt sa mga bayad sa loan ng mga PHLPost employees sa GSIS.

Si Dela Cruz ay inerekomenda na magpiyansa ng P24,000 sa bawat kaso.

Ang reklamo kay Dela Cruz ay isinampa sa Office of the Ombudsman ni Philippine Postal Corporation (PHLPost) employee Santos Pamatong Jr, matapos na matuklasan na hindi ibinayad ni Dela Cruz ang kanyang loan amortization sa GSIS sa loob ng 15 buwan mula October 2011 hanggang December 2012.

Dalawa pang dating empleyado ng PHLPost na kasabwat ni Dela Cruz ay nahaharap din sa mga nasabing kaso.

 

 

 

 

TAGS: 'Josie Dela Cruz, PHLPost, 'Josie Dela Cruz, PHLPost

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.