55% ng mga Pinoy, masaya sa lovelife ayon sa SWS survey
Nakararaming mga Pinoy ang nagsabing sila ay masaya sa kanialng lovelife.
Ito ang lumabas sa survey ng SWS na isinagawa noong huling quarter ng 2016, subalit ngayon lamang inilathala para eksakto sa pagdiriwang ng Valentine’s day.
Sa nasabing survey ng SWS, binigyan ng sasagutan ang mga respondents, at ang tanong, “alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa inyong love life o buhay pag-ibig”, ‘NAPAKASAYA’, SANA MAS MASAYA PA’ at ‘WALANG LIVE LIFE’.
55% ang sumagot ng ‘napakasaya’, 32% naman ang sumagot ng ‘sana mas masaya pa’ at 14% ang ‘walang love life’.
Lumitaw din sa resulta na sa 2016 survey mayroong pinakamataas na porsyento ng nagsabi na sila ay walang love life.
Noon kasing 2015, 10% ang nagsabing wala silang love life, 11% noong 2014, 2010 at 2004, 13% noong 2012, at 9% noong 2011.
Lumalabas din sa survey na ang mga kasal na ang maituturing na nakararanas ng ‘happiest love life’.
65% kasi ng married Filipinos ang nagsabi na very happy sila sa love life, kumpara sa 56% na mayroong live-in partners, at 28% na singles.
Sa mga nagsabi naman na sila ay walang love life sa ngayon, 56% ay singles 1% lang ang married.
Karamihan sa nagsabing sila ay masaya sa kanilang buhay pag-ibig ay mga lalaki o 57% at 53% naman ang babae.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.