P276 hanggang P460 na dagdag sa Meralco bill, mararamdaman ng consumers ngayong buwan
Inanunsyo na ng Manila Electric Company o Meralco ang halaga ng madaragdag sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Pebrero.
Ayon sa Meralco, P0.92 per kilowatt hour ang magiging pagtaas sa February bill ng mga consumer.
Ito ay dahil sa paglaki ng generation at transmission charges.
Dahil sa 92 centavos per kilowatt hour na increase, sinabi ng Meralco na aabot sa 194 pesos ang madaragdag sa bill ng mga consumer na ang konsumo sa kuryente ay umaabot sa 200 kilowatt hour.
276 pesos naman ang dagdag kung ang konsumo ay 300 kilowatt hour, 368 pesos para sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt hout at 460 pesos kung ang konsumo ay 500 kilowatt hour.
Sa Marso, malaki pa rin ang posibilidad na magkaroon ng pagtaas sa singil sa kuryente ang Meralco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.