WATCH: P100M halaga ng shabu nadiskubre sa isang abandonadong sasakyan sa QC
Ilang linggo matapos na pagbawalan ang mga pulis na magsagawa ng mga operasyon laban sa illegal na droga, aabot sa P100 milyon na halaga ng shabu ang natuklasan sa isang abandonadong sasakyan sa Quezon City.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, ang kilo-kilong shabu ay nadiskubre sa isang nakaparadang kotse sa Barangay San Jose.
Nakalagay ang mga shabu sa dalawang asul na container na nasa compartment ng kulay blue na Mitsubishi Lancer at may plakang WPB 418.
Sa ngayon, inaalam pa ng PDEA kung sino ang nagmamay-ari ng inabandonang sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.