Aguirre, itinanggi ang pagbibigay ng VIP treatment sa mga high profile inmates

By Kabie Aenlle February 10, 2017 - 04:40 AM

aguirre (1)Mariing itinanggi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na binigyan niya ng special o VIP treatment ang mga high-profile inmates na tumestigo laban kay Sen. Leila de Lima.

Ayon kay Aguirre, wala siyang nalalaman tungkol sa akusasyon na ipinag-utos umano niya na hayaan ang walong preso na gumamit ng mga gadgets at appliances bilang kapalit ng pag-testigo laban kay De Lima sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng Bilibid drug trade.

Giit ni Aguirre, wala siyang alam sa sinasabing memo na pinahintulutan niya ang ganitong gawain.

Dahil dito hinimok niya si De Lima na ilabas na lang kung anumang dokumento ang hawak niya at huwag na itong unti-untiin pa.

Wala aniya siyang natatandaang nagbigay siya ng anumang go signal sa kahit na sino para bigyan ang mga preso ng special privileges.

Kinwestyon rin ni Aguirre kung bakit inaakusahan siya ni De Lima kaugnay nito, sabay giit na hindi talaga kayang bantayan ng Secretary of Justice ang lahat ng mga isyu sa kaniyang ahensya.

Gayunman, sinabi ni Aguirre na pagkatapos niyang basahin ang reklamo ni De Lima, agad niyang inatasan ang hepe ng BuCor para imbestigahan ang nasabing isyu.

Sakali aniyang totoong nangyayari ito sa detention center ng AFP, itigil na ito at baklasin ang mga dapat baklasin dahil hindi kinukunsinte ng DOJ ang ganitong bagay.

Tinutukoy ni Aguirre ang dokumentong inilabas ng Philippine Daily Inquirer, kung saan nakasaad na nadiskubre ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga maling kalakaran na gingawa sa kanilang Custodial and Detention Center sa Camp Aguinaldo.

Sa isang umikot naman na memo sa Bureau of Corrections, binanggit dito na napag-alaman sa isang confidential investigation ng AFP na patuloy pa rin ang marangyang pamumuhay ng mga high profile inmates sa custodial center.

Napag-alaman din sa imbestigasyon na ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at ng BuCor ang mismong nagsasabi na sinusunod lang nila ang utos sa kanila ni Aguirre na payagan ang pag-pasok ng ilang mga gadgets bilang kapalit umano ng testimonya ng mga preso laban kay De Lima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.