Mga dayuhang bisita sa China, kukuhanan na ng fingerprints para sa seguridad
Sinimulan na ng China ang pagkuha ng fingerprints sa lahat ng mga dumadating na dayuhan sa kanilang bansa bilang hakbang upang paigtingin ang kanilang seguridad.
Ayon sa Ministry of Public Security ng China, sinimulan nila ang pagkuha sa fingerprints ng mga dayuhan sa Shenzen airport ngayong araw, at unti-unti na ring gagawin sa iba pang entry points sa buong bansa.
Lahat anila ng mga foreign passport holders na may edad 14 hanggang 70 ay kailangang magbigay ng kanilang fingerprints.
Wala namang nabanggit ang mga opisyal kung may iba pang biometrics data na kukuhanin mula sa gma dayuhan.
Paliwanag nila, mas mapapalakas ng hakbang na ito ang kontrol nila sa immigration.
Bukod sa China, matagal nang ginagawa ito sa mga bansang United States, Japan, Taiwan, at Cambodia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.