Apat na buwang sanggol, biktima ng panggagahasa sa Cebu

By Mariel Cruz February 09, 2017 - 08:24 PM

Carcar CabueKinidnap at ginahasa ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang apat na buwang sanggol sa Carcar City sa Cebu.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Carcar City Police Station Women’s Desk, natutulog ang sanggol katabi ang kanyang ina nang biglang pasukin ng suspek ang kanilang bahay, madaling araw ng Huwebes.

Dito na aniya dahang-dahan tinanggay ang biktima ng suspek.

Dinala ng suspek ang nasabing sanggol sa isang bakanteng lote at saka isinagawa ang panggagahasa.

Nadiskubre ang biktimang sanggol sa bakanteng lote matapos marinig ng kanyang lolo ang malakas na pag-iyak nito.

Nang pasukin ng lolo ang bakanteng lote, bumungad sa kanya ang duguan apo.

Narekober sa crime scene ang diaper ng sanggol at isang bote na may laman na tuba.

Matapos suriin ang sanggol, kinumpirma ng doktor na ginahasa ang biktima dahil sa nakitang laceration sa private part nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.