Pabahay para sa mga biktima ng bagyong ‘Pablo’ at ‘Yolanda’ libre ayon kay Duterte
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nasalanta ng dalawang pinaka-mapaminsalang bagyo na dumaan sa bansa, na hindi na nila kailangan pang bayaran ang kanilang mga relocation houses.
Inanunsyo ito ni Pangulong Duterte sa mga biktima ng bagyong “Pablo” na sumalanta sa Davao region noong 2012, at super bagyong “Yolanda” na malubhang nakapinsala sa Eastern Visayas noong 2013.
Dumalo ang mga survivors ng mga nasabing bagyo sa National Housing Summit na pinasinayaan ng National Housing Authority (NHA) sa Quezon City, kung saan pumunta rin ang pangulo para dalhin sa kanila ang magandang balita.
Ayon kay Duterte, hangga’t siya ang pangulo ng bansa, walang babayaran ang mga survivors ng bagyo para sa kanilang relocation houses.
Biniro niya pa ang mga ito at tinanong kung magbabayad nga ba talaga sila, dahil sa pagkakaalam niya ay hindi marunong magbayad ang mga Pilipino.
Magbabayad pa kasi dapat ang mga pamilya ng P200,000 para sa bawat relocation units na kanilang titirhan.
Sabi pa ng pangulo, sakaling singilin sila ng mga opisyal ng NHA, sabihin sa mga kolektor na hanapin siya at siya ang singilin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.