Sunog naganap sa kampo ng Philippine Army sa Tarlac

By Rohanisa Abbas February 08, 2017 - 09:53 AM

FB Photo | Tarlac Information Office
FB Photo | Tarlac Information Office

Malakas na pagsabog na nasundan ng malaking sunog ang naganap sa loob ng Camp Aquino ng Army Support Command sa San Miguel, Tarlac kagabi.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) public affairs office chief Col. Edgard Arevalo, naganap ang pagsabog sa loob mismo ng Armaments Battalion dakong 10:30PM.

Naapula naman ang sunog matapos ang isang oras.

Hindi pa nakukumpirma ni Arevalo kung may nasugatan o namatay sa insidente.

Pinabulaanan naman ni Arevalo ang mga umuugong na balita sa social media na terorista ang nasa likod nito.

Ani Arevalo, walang nangyaring pananabotahe o pag-atake sa naturang sunog.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagsabog.

 

 

TAGS: Camp Aquino, fire incident, Tarlac City, Camp Aquino, fire incident, Tarlac City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.