Grupo ng mga kabataan, nagsagawa ng kilos-protesta sa Mendiola kaugnay sa nahintong peace talks ng gobyerno at CPP NPA NDF

By Angellic Jordan February 07, 2017 - 11:43 AM

GRUPO NG MGA KABATAAN RALLY SA MENDION ON PEACE TALKS (2)
Kuha ni Angellic Jordan

“Kapayapaan, ipaglaban.” “Oplan kapayapaan ibasura” “Political prisoners, palayain”

Tinuligsa ng grupong Anakbayan-Metro Manila ang desisyong pag-aatras ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usaping-pangkapayapaan sa komunistang grupong National Democratic Front of the Philippines at Government of the Republic of the Philippines.

Kaugnay ito sa hindi pag-apruba ni Duterte ang kondisyong inalok ng makakaliwang grupo na pagpapalaya sa 434 political prisoners kapalit ang pag-apruba sa usapin.

GRUPO NG MGA KABATAAN RALLY SA MENDION ON PEACE TALKS (1)
Kuha ni Angellic Jordan

Kasunod pa nito, pinakukulong rin ni Duterte ang mga NDFP peace consultant.

Ayon kay Charles Jimenez, chairperson ng Anakbayan ng University of the Philippines Manila, nais iparating ng grupo ang pagtutuloy ng peace talks para tuluyang maabot ang kapayapaan sa bansa.

Para naman kay Christian Advincula, chairperson Anakbayan Metro Manila, lumalabas lang aniya na hindi seryoso si Duterte sa nasabing usapin.

Paliwanag pa nito, hindi hahayaan ng grupong matuloy ang naging desisyon ng pangulo.

Hinihikayat rin ng grupo ang mamamayang Pilipino na makiisa sa pagpapaigting ng patuloy na pagtutol para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan sa bansa.

TAGS: Anakbayan Metro Manila, Anakbayan ng University of the Philippines Manila, grupo ng mga kabataan, Pangulong Duterte, peace talks, Anakbayan Metro Manila, Anakbayan ng University of the Philippines Manila, grupo ng mga kabataan, Pangulong Duterte, peace talks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.