Paglilinis sa Pasig River ng halos 400 pulis aprub kay Sen. Ralph Recto.
Agad nagpahayag ng suporta si Senate Minority Leader Ralph Recto sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipalinis ang Pasig River ng mga basura sa halos 400 pulis metro manila na may iba’t ibang kaso.
Ngunit ayon kay Recto, dapat higit pa sa pagaalis ng water lilies sa Pasig River ang layon ng naturang plano.
Aniya dapat ay paghahanda na ito sa pagbabalik ng Pasig River Ferry Service na mula Intramuros sa maynila hanggang sa Pasig City.
Banggit ni Recto may hirit ang Department of Transportation (DOTr) sa kongreso na P2.7 billion para sa rehabilitasyon ng Pasig River Ferry na layon makatulong para maibsan ang trapiko sa Metro Manila.
Kahapon ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipadala sa kanya sa Malakanyang ang 387 pulis dito sa Metro Manila para maging Enviromental Police sa Pasig River.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.