Tungkulin ng mga sundalo sa drug war, nilinaw ng PDEA
Ipinaliwanag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Isidro Lapeña na magsisilbi lang bilang back-up ang mga sundalo sa giyera ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ayon pa kay Lapeña, ang desisyon ni pangulong duterte na isabak ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa drug war ay hindi nangangahulugang mangunguna ang mga sundalo sa mga anti-drug operations.
Aniya pa, magagamit nila ang mga sundalo sakaling magsasagawa sila ng operasyon sa isang lugar na alam nilang may armadong grupo.
Dagdag niya pa, hindi rin magpapatrulya ang mga sundalo para dito.
Ito ang naging tugon ni Lapeña sa ilang nababahala sa pagpasok ng mga sundalo sa laban kontra iligal na droga, at ang posibilidad na matulad ito sa nangyari noong martial law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.