May-ari ng puneraryang pinag-dalhan kay Jee, umalis na sa kustodiya ng NBI

By Kabie Aenlle February 07, 2017 - 04:21 AM

jee ick joo funeral homeBoluntaryong umalis mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari ng Gream Funeral Services kung saan dinala ang bangkay ng dinukot at pinatay na Koreanong si Jee Ick Joo.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, mismong si Gerardo Santiago ang nag-nais na maalis na siya sa kustodiya ng ahensya.

Dahil wala namang arrest warrant laban sa kaniya, pinayagan siya ng NBI na umalis, ilang araw matapos sabihin ni Santiago na may mga nagbabanta sa kaniyang buhay kahit noong siya pa ay nasa ibang bansa.

Paliwanag naman ni Aguirre, hindi niya tiyak kung bakit nagdesisyon si Santiago na gawin ito, o kung wala na bang banta sa kaniyang buhay.

Tanging ang kaniyang alyas na “Ding” rin lamang ang nakalagay sa kasong kidnapping for ransom laban sa mga umano’y pumatay sa Koreanong negosyante.

Matatandaang nagpasailalim sa kustodiya ng NBI si Santiago dahil ayon sa kaniya, may dalawang grupo na nagbabanta sa kaniyang buhay oras na bumalik siya mula sa Canada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.