Klase sa buong Maynila at Pasay City suspendido na
Simula kaninang 2:30 ng hapon ay suspendido na ang klase sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas sa lungsod ng Maynila.
Sa kanyang inilabas na kautusan ay sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na may kaugnayan ang class suspension sa nagaganap na transport strike sa malaking bahagi ng bansa.
Kaninang umaga ay ilang mga paaralan na rin sa lungsod ang nag-kansela ng pasok dahil sa nasabing welga ng mga tsuper at operators ng mga pampublikong sasakyan.
Wala na ring pasok base sa kanilang advisory ang mga Makati at Bonifacio Global City campuses ng De La Salle University.
Samantalang kaninang umaga ay naglabas rin ng pahayag ang city government ng Malabon na nagsasabing suspendido ngayong hapon ang lahat ng klase pribado man at pampublikong mga paaralan para sa lahat ng antas.
Sa pinakuling balita ay nagsuspinde na rin si Pasay City Mayor Antonio Calixto ng klase sa buong lungsod para sa afternoon classes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.