Epekto ng tigil-pasada, mararamdan ng mga pasahero at motorista hanggang mamayang gabi ayon sa MMDA

By Dona Dominguez-Cargullo, Rod Lagusad February 06, 2017 - 09:45 AM

Kuha ni Rod Lagusad
Kuha ni Rod Lagusad

Inabisuhan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pasahero at mga motorista na tatagal hanggang mamayang gabi ang epekto ng transport strike na isinasagawa ng mga tsuper ng jeep.

Ayon sa MMDA, hanggang alas 7:00 ng gabi ang ikinasang transport protest na maliban sa epekto sa mga pasahero ay naapektuhan din ang daloy ng traffic.

Sa abiso ng ahensya, kabilang sa apektado ang mga sumusunod na lugar hanggang mamayang gabi:

Bonifacio Monument
EDSA Shrine
EDSA Shaw Blvd
Marcos Highway
Liwasang Bonifacio
Mendiola
Baclaran
Muñoz SB
Balintawak/Balonbato
Commonwealth/Litex
EDSA – Cubao Aurora
Aurora – Katipunan
IBP Road
Philcoa
Centris
Welcome Rotonda
People’s Monument

Sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbos, labis na naapektuhan ng tigil-pasada ang Monumento sa Caloocan.

Nag-deploy aniya ang MMDA ng aabot sa anim na bus sa Monumento para magbigay ng libreng-sakay sa mga apektadong pasahero.

Ang nasabing mga bus ng MMDA ay dinumog ng publiko na pawang walang masakyang jeep.

Hiningi rin ng MMDA ang tulong ng PNP sa bahagi ng Monumento matapos makatanggap ng reklamo na may mga nanghaharang sa mga tsuper na ayaw lumahok sa strike.

TAGS: Metro Manila, mmda, tigil pasada, tranportation, transport strike, Metro Manila, mmda, tigil pasada, tranportation, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.