Duterte: “Kung gusto niyo matapos ang droga, sumama kayo sa ‘kin sa impyerno”
Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Katolikong nais mapunta sa langit na patuloy lang na maniwala sa mga sinasabi ng mga pari at obispo.
Gayunman, nanawagan naman siya sa mga taong nais nang masupil ang problema ng bansa sa iligal na droga na patuloy lamang siyang suportahan sa kaniyang kampanya laban dito, hanggang sa impyerno.
“Kayong gusto matapos ang droga pero mapunta sa impyerno, sumabay kayo sa akin,” ani Duterte.
Sinabi ito ng pangulo kasunod ng panibagong pagbatikos ng Simbahang Katolika sa mga patayang may kinalaman sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Kamakailan lang ay naglabas ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng isang pastoral letter na tumutuligsa sa drug war ng pamahalaan.
Inilabas sa nasabing liham ang malalim na pagkabahala ng mga obispo sa dami ng mga napapatay dahil sa iligal na droga.
Bagaman komento ito ng pangulo sa naturang pastoral letter, hindi sa mga pari at obispo nakatuon ang nasabing panawagan kundi sa mga mamamayan na Romano Katoliko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.