Pinakamahabang flight sa mundo, inilunsad ng Qatar Airways
Inilunsad ng Qatar Airways ang sinasabing “world’s longest scheduled commercial service,” madaling araw ng Linggo, oras sa Doha.
Ayon sa isang tagapagsalita ng Qatar Airways, umalis ang Flight QR920 sa Doha ganap na 5:02 ng madaling araw.
Dakong alas 2:30 naman ng umagang Lunes, oras sa Pilipinas, lumapag ang Flight 920 sa Auckland, New Zealand.
Tatawirin ng nasabing Boeing 777 flight ang 10 time zones at limang bansa sa biyahe nitong tatagal ng 16 hours and 20 minutes at may layong 14,535 kilometers.
Dahil dito, ito ang itinuturing na “world’s longest passenger service” sa usapin ng flying time.
Mas mahaba ito kumpara sa inilunsad na flight ng Emirates airline noong nakaraang taon mula sa Dubai hanggang Auckland na may distansyang 14,200 kilometers.
Hindi naman nagbigay ang Qatar Airways ng detalye sa kung gaano karaming pasahero ang sumakay sa naturang flight, pero sinasabing mayroon itong apat na piloto at 15 na crew.
Inaasahang mas magiging mahaba ang return flight nito dahil sa umiiral na jet stream sa himpapawid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.