Sa kabila ng babala ng LTFRB, tuloy ang tigil-pasada ng grupong Stop and Go coalition ngayong araw upang iprotesta ang nagbabantang phaseout ng mga lumang pampasaherong jeepney.
Ito’y sa kabila ng babala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na posibleng masuspinde ang prangkisa ng mga pampasaherong sasakyan sakaling sumali ang mga ito sa tigil-pasada.
Giit ni Jun Magno, pangulo ng Stop and Go, posibleng maapektuhan ng kanilang rally ang mga pasahero sa Metro Manila, Bicol region, Region 3 at 4.
Naghain na rin sila aniya ng petisyon sa korte upang kuwestyunin ang legalidad ng circular ng LTFRB na nagbabawal sa mga PUV operator na kontrahin ang mga direktiba ng naturang ahensya ng gobyerno.
Samantala, upang maibsan ang magiging epekto ng transport strike na ibinabanta ng Stop and Go coalition, magpapakalat ng 4,800 traffic personnel at maging mga pulis at sundalo ang pamahalaan ngayong araw.
Nasa 85 government vehicles rin ang mag-iikot sa mga maapetukhang lugar upang magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.