NPA, tinawag na ‘terorista’ ni Pangulong Duterte; NDFP consultants, ipinaaaresto
Ikinukunsidera na ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF) bilang isang teroristang grupo.
Ginawa ng presidente ang pahayag sa Cagayan de Oro City kung saan nagtungo siya sa burol ng tatlong sundalo na napaulat na pinatay ng mga miyembro ng NPA noong Miyerkules.
Ayon kay Pangulong Duterte, nagmagandang loob na umano siya sa komunistang grupo subalit napahiya pa raw siya dahil sa mga aksyon ng rebeldeng grupo.
Dahil umano rito, itinuturing na niyang terrorist group ang CPP-NPA-NDF.
Iniutos na rin ng punong ehekutibo sa Armed Forces of the Philippines at Bureau of Immigration ang ‘lookout’ o pag-aresto sa mga NDF consultants na matatandaang political prisoners na pinalaya upang makasama sa peace negotiations.
Noong araw na mapatay ang tatlong sundalo, inalis ni Pangulong Duterte ang unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.