Duterte, sinuspinde ang usapang pangkapayapaan

By Rod Lagusad February 05, 2017 - 05:35 AM

GRP-CPPTuluyan nang sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa CPP/NPA/NDF kasabay ng kanyang naging pagbisita sa puntod ng kanyang mga magulang sa Davao City.

Aniya mananatiling suspendido ang usapang pangkapayapaan hanggang walang mabigat na dahilan na magbibigay ng benipisyo sa bansa.

Ito ang ipinahayag ni Duterte isang araw matapos kanselahin nito ang unilateral ceasefire ng pamahalaan sa New People’s Army (NPA), ang armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Binigyan niya rin ng direktiba ang mga kinatawan ng pamahalaan na naging bahagi ng peace talks sa pagitan ng communist group sa Rome, Italy na bumalik na sa bansa.

Binigyan diin ni Duterte ang diumano’y kagustuhan ng komunistang grupo na magpatuloy ang sagupaan.

Nauna rito ay nagsabi din ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na handa silang bumalik sa labanan.

TAGS: AFP, CPP, Davao City, NDF, NPA, peace talks, Rodrigo Duterte, AFP, CPP, Davao City, NDF, NPA, peace talks, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.