Dela Rosa sa sindikato ng mga tiwaling opisyal ng pulisya at NBI: “Bring it on!”
Hinamon ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ang mga tiwaling pulis at tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na bumubuo umano sa isang sindikatong nasa likod ng pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo.
Panawagan ni Dela Rosa sa kanila: “Bring it on!” at na handa siyang harapin kung anuman ang gustong gawin ng mga ito.
Hindi aniya siya aatras at handa siyang mamatay basta ito ay sa kapakanan ng pagbibigay hustisya.
Una nang sinabi ng hepe ng PNP Anti-Kidnapping Group na si Senior Supt. Glenn Dumlao na binanggit ni Supt. Rafael Dumlao, na malaking grupo ang kumukupkop sa suspek na si SPO3 Ricky Sta. Isabel.
Ayon naman kay Dela Rosa, baka natatakot lang si Rafael dahil malalaking opisyal sa NBI ang kaniyang ilalaglag sa pagpatay kay Jee.
Sa kabila nito, sinabi ng hepe ng PNP na hindi siya natatakot na harapin ang nasabing sindikato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.