Report ng Amnesty International, binanatan ni Pangulong Duterte
Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Amnesty International ukol sa ulat nito na binabayaran umano ang mga pulis ng P5,000 sa bawat napapatay na drug personality.
Tanong ng pangulo, bakit niya babayaran ang mga pulis na pumatay, gayong trabaho nila na supilin ang paglaganap sa iligal na droga.
Sinabi pa ng pangulo, na hindi siya bugok para magbayad sa mga pulis.
Ayon sa pangulo, sisipain pa niya ang mga pulis kung manghihingi ng bayad.
Maari aniyang napagkamalan ang P5,000 bayad sa P150 milyong na kaniyang ibinigay sa Philippine National Police (PNP) bilang intelligence fund.
Matatandaang ilang beses na ring iginiit ng pangulo at ng mga kinatawan ng Palasyo ng Malacañang na hindi totoo na state sponsored ang mga extrajudicial killings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.