NDFP, inirerespeto ang pagkansela ng pamahalaan sa unilateral ceasefire

By Rod Lagsuad February 03, 2017 - 11:42 PM

CPP-NPASa inilabas na press statement ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), sinabi ni NDFP Panel chair Fidel Agcaoili na karapatan ng pamahalaan (GRP) ang pagtanggal sa Suspension of Offensive Military Operations (SOMO) at Suspension of Offensive Police Operations (SOPO) simula ngayong gabi ng February 3, at ang pag-utos sa mga sundalo na bumalik sa mga kampo at maging handa na muling makipaglaban.

Ito ang naging tugon ng gobyerno sa naging anunsyo ng CPP at NPA na tatanggalin na nila ang kanilang unilateral interim ceasefire epektibo 11:59 pm sa February 10, 2017.

Katwiran ng NDFP, nilabag ng AFP, PNP at ibang paramilitary forces ang SOPO at SOMO kung saan kanilang sinuyod ang mga ibat-ibang komunidad, mga paaralan, day-care centers at iba pang mga pampublikong lugar tulad ng mga plazas, basketball courts at bus stops at maging mga private residences, at nagsagawa ng harassment at random interrogation sa mga pinaghihinalaang mga kamanak ng mga nasa NPA o iyong mga hinihinlalang sumusuporta dito. a

Dagdag pa dito ang paglaganap ng extrajudicial killings sa mga lider at mga miyembro ng grupo ng mga magsasaka at iba pang mga indigenous peoples ay nanatili kung saan apat ang napatay ngayon buwan ng Enero at panibagong isa ngayong araw.

Ngunit iginiit ng rebeldeng grupo na istriktong pinatupad ng NPA ang kanilang sariling unilateral ceasefire kasama ang pagkakaroon ng mga “extraordinary measures” para maiwasan ang pagkakaroon ng engkwentro sa tropa ng AFP habang nanatili ang kanilang depensa.

Ayon pa sa pahayag ng NDFP, sa nakaraang mga buwan ay nagawang iwasan ng mga units ng NPA ang mga opensiba ng AFP ngunit dahil sa patuloy sa operasyon ng militar ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng sagupaan dahil sa pagdepensa ng NPA sa kanilang mga sarili at interes ng kanilang grupo.

Halimbawa anila dito ay ang nangyari noong January 21, 2017 sa Makilala, North Cotabato kung saan nilusob ng magkasamang pwersa ng AFP at PNP special action force ang isang kampo nito.

Sa kabila nito, umaasa ang NDFP na magpapatuloy at mapagtatagumpayan ang usapang pangkapayapaan, kasabay ng pag-apruba ng magkabilang panig sa komprehensibong kasunduan sa socio-economic, political at constitutional reforms na kasalukuyang pinag-uusapan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.