Bilang ng mga nagpapakasal na Pinoy, bumababa

By Dona Dominguez-Cargullo February 03, 2017 - 03:36 PM

Wedding PhotoPaliit na ng paliit ang bilang ng mga Pinoy na nagpapakasal, ayon sa bagong datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, base sa kanilang ‘data on marriages’, sa loob ng nakalipas na sampung taon, o mula taong 2005 hanggang 2015, nasa 20.1 percent na ang ibinaba ng bilang ng mga nagpapakasal.

Ibinase ang datos sa bilang ng certificates of marriage sa Civil Registrar’s Office sa buong bansa.

Ayon sa PSA, taong 2014, nagkapagtala na sila ng 2.9 percent na pagbaba at 3.6 na pagbaba noong 2015.

Kung pagbabasehan ang datos, lumilitaw na as of 2015, nasa 1,135 na couples ang nagpapakasal bawat araw.

Sa nasabing bilang 42 percent ang nagpapakasal sa pamamagitan ng civil wedding, habang 36 percent ang idinaraos sa pamamagitan ng Roman Catholic ceremonies.

Wala namang inilahad ang PSA sa kanilang pag-aaral kung ano ang posibleng dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga nagpapakasal.

Pero ayon sa ilang eksperto, maaring ang mahal at mahabang proseso ng annulment ang nagiging dahilan kaya marami nang magkasintahan ang natatakot na pasukin ang pagpapakasal.

 

 

 

 

TAGS: data on marriage, psa, data on marriage, psa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.