Halaga ng pinsala sa sunog sa Cavite, umabot sa P15B

By Dona Dominguez-Cargullo February 03, 2017 - 12:31 PM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Umabot na sa P15 bilyon ang halaga ng pinsala sa sunog na tumutupok sa House Technology Industries (HTI) sa Cavite Economic Zone compound.

Ayon kay Cavite Governor Boying Remulla, tinatayang nasa 10,000 empleyado ang mawawalan ng trabaho dahil sa nasabing sunog.

Ang nasusunog na gusali ay mayroong lawak na anim na ektarya.

Sa kabila nito, binawi ni Remulla ang naunang deklarasyon ng state of calamity sa lalawigan.

Ayon sa gobernador, inako naman kasi lagat lahat ng HTI ang gastusin sa insidente.

Samantala, sinabi ni Bureau of Fire Protection Region 4A Director Sergio Soriano, 80 percent na ng sunog ang naapula.

 

 

TAGS: EPZA Cavite, fire incident, hti, EPZA Cavite, fire incident, hti

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.