Gov. Remulla, binawi ang naunang pahayag na may nasawi sa sunog sa EPZA, Cavite
(UPDATE) Nagbigay ng paglilinaw si Cavite Governor Boying Remulla matapos niyang ihayag na mayroon ng nasawi sa sunog na nagaganap sa House Technology Industries (HTI) sa Economic Processing Zone sa Cavite.
Sa pahayag sa media, binawi ni Remulla ang kaniyang inanusyo na mayroong isang babae na nasugatan sa sunog ang nasawi kagabi sa Intensive Care Unit (ICU) ng Divine Grace Medical Center habang ginagamot.
Ayon kay Remulla, sa pakikipag-ugnayan niya sa pamunuan ng Ospital, nabigyang-linaw na ang nasawi kagabi ay hindi biktima ng sunog.
Humingi rin ng paumanhin si Remulla sa nangyari.
Aniya, nagkaroon ng “misinformation” at nang magsagawa siya ng validation ay saka lamang nalinawan ang detalye.
“So far wala pa tayong fatality. I’m sorry to those I informed earlier, because I was relying on the word of our people on the field. Upon clarification hindi po fire victim ‘yung namatay kagabi,” ani Remulla.
WATCH: Ang paglilinaw ni Cavite Gov. Boying Remulla hinggil sa naunang naiulat na may nasawi na sa sunog sa EPZA, Cavite | @CyrilleCupino pic.twitter.com/kvWTJKsEZY
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 3, 2017
Sa ngayon, sinabi ni Remulla na tatlong empleyado na lamang ng HTI ang nananatiling “unaccounted for” base sa datos ng kumpanya.
Lahat aniya ng tatlong empleyado na ito ay nag time-in at sa ngayon ay hindi pa nakikita ng kanilang mga kaanak.
PANOORIN: HTI Compound sa EPZA, Cavite, mahigit 36 na oras nang nasusunog | @dzIQ990 pic.twitter.com/Z5SR50H5ph
— CyrilleCupinoINQ (@CyrilleCupino) February 2, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.