Duterte: Coup d’etat, posibleng mangyari kapag pinagbigyan ang CPP

By Kabie Aenlle February 03, 2017 - 05:14 AM

Duterte-China1Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hindi niya basta-bastang pwedeng pagbigyan ang hiling ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na palayain ang mahigit 400 na political prisoners.

Ayon sa pangulo, oras na pagbigyan niya ang rebeldeng grupo sa nais nito, maaring hindi matuwa ang mga sundalo sa kaniya.

Dagdag pa ni Duterte, baka magkaroon ng coup d’etat at patalsikin siya ng mga sundalo dahil sa pag-panig sa kagustuhan ng mga rebelde.

Ang malala pa dito, baka patayin pa siya ng mga ito at oras na mangyari ito, wala nang makikipag-usap sa mga rebelde.

Matatandaang binawi ng CPP-NPA ang kanilang idineklarang unilateral ceasefire dahil ayon sa kanila, hindi tumutupad sa usapan ang pamahalaan.

Iginiit naman ng pangulo na ibibigay lang niya ang amnesty na ito kapag natapos na ang negosasyon at naging matagumpay ito.

Nilinaw naman niya na wala pa siyang balak na bawiin ang unilateral ceasefire ng pamahalaan sa NPA dahil hindi naman aniya siya “gaya-gaya.”

Aniya pa, hihintayin na lang niya ang oras na ibibigay ng Panginoon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.