Radio announcer, patay sa pamamaril sa North Cotabato

By Kabie Aenlle February 03, 2017 - 04:25 AM

 

crime-scene-300x200Patay ang isang blocktime radio announcer habang sugatan naman ang kaniyang anak na babae matapos siyang pagbabarilin ng dalawang suspek sa bayan ng M’lang sa North Cotabato kahapon.

Bukod sa radio announcer na kinilalang si Marlon Muyco, napatay rin ang isang pulis at kanilang informant sa kasagsagan ng manhunt laban sa mga suspek na kalaunan ay naaresto rin.

Ayon sa hepe ng M’lang police na si Supt. John Meredell Calinga, si Muyco ay host ng isang blocktime radio program na Abyan sa Kalambuan sa Banwa Sang M’lang na umeere sa dxND Radyo Bida.

Minamaneho aniya ni Muyco ang kaniyang motorsiklo habang angkas ang kaniyang anak pauwi sa Brgy. La Suerte, nang bigla silang paputukan ng mga suspek.

Tinukoy ni Calinga ang mga suspek na sina Boyet Patubo na kapatid ng barangay captain sa Dolores sa bayan ng Antipas na si Ireneo Patubo; at anak ni Ireneo na si Mark Patubo.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek na nanlaban pa sa kanila at nauwi sa engkwentro kung saan napatay ang isang pulis at isang police informant habang dalawang iba pa naman ang nasugatan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.