Nasukol ng mga tunay na pulis ang isang lalaking nagpapanggap na pulis at may bitbit na armas at iligal na droga sa Olongapo City.
Ayon kay S/Insp. Walter Primero na hepe ng Police Station 6 sa Olongapo, isang concerned citizen ang nagsumbong sa kanila tungkol sa isang kahina-hinalang indibidwal sa Brgy. Barretto.
Naaresto aniya ng mga pulis si Wilfredo Soria habang nakasakay sa isang nakaparadang sasakyan sa national highway sa naturang barangay.
Nagpakilala pa si Soria bilang isang pulis na nakatalaga sa Subic Municipal Police Station, ngunit bigo naman siyang makapagpakita ng mga dokumentong magpapatunay nito.
Nakuha mula sa kaniya ang isang cal. .45 na Armscor hand gun na kargado ng pitong bala, isang hand grenade at dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Dahil dito nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at illegal possession of explosives.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.