Duterte: Wala na akong tiwala sa NBI

By Den Macaranas February 02, 2017 - 03:46 PM

Duterte-China1Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala na siyang tiwala sa National Bureau of Investigation (NBI) kaya pinagbawalan na rin niya ang mga tauhan nito na magpatupad ng mga anti-illegal drugs operations.

Ipinaliwanag ng pangulo na dismayado siya dahil patuloy pa rin na naghahari ang ilang scalawags sa loob ng NBI pati na sa Philippine National Police.

Pinakahuli dito ang pagkakasangkot nila sa pagdukot at pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo.

Sa kanyang talumpati sa 38th National Convention of Philippine Association of Water Districts sa Davao City, sinabi ng pangulo na dapat maging maingat ang pamahalaan sa mga operasyon na may kaugnayan sa droga.

Sa ngayon ay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na lamang ang otorisadong gumawa ng mga anti-drugs operation base sa direktiba ng pangulo.

Ipinaliwanag rin ni Duterte na inaayos na lamang nila ang ilang mga paraan para magamit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga operasyon kontra droga.

Base sa pahayag ng pangulo, umaabot sa 40-porsiento ng mga barangay sa bansa ang may problema sa illegal drugs.

Umaabot naman sa anim na libong mga pulis ang kanyang sinasabing sangkot sa bawal na gamot.

Binatikos rin ng pangulo ang Amnesty International kaugnay sa pakikialam sa kampanya ng gobyerno sa ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ni Duterte na madaragdagan pa ang bilang ng mga napapatay dahil hindi siya titigil sa kanyang sinimulang operasyon laban sa mga drug personalities.

TAGS: drugs, duterte, NBI, PNP, drugs, duterte, NBI, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.