BIR, pinalawig ang imbestigasyon sa mga kaso ng pekeng tax stamps

By Angellic Jordan February 02, 2017 - 09:38 AM

birPalalawigin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang imbestigasyon sa lumalaganap na paggamit ng pekeng selyo sa sigarilyo sa iba pang kumpanya ng tabako.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Jesus Clint O. Aranas na nagsumite na ng signature letters of authority ni BIR Commissioner Caesar R. Dulay laban sa ilang kumpanya.

Maliban sa Bulacan-based na Mighty Corporations, naglabas na rin ng letters of authority sa apat pang kumpanya; La Campana Fabrica de Tobacos Inc., Mighty International, Tobacco Industries of the Philippines Inc. at Wongchuking Holdings Inc.

Sa panayam ng Inquirer noong nakaraang linggo, sinabi naman ni Dulay sa inilabas ang mga naturang dokumento matapos makatanggap ng ulat sa umano’y pagbebenta ng mga sigarilyo kalakip ang pekeng tax stamps sa merkado lalo na sa mga probinsya.

Bwelta ni Aranas, layon ng imbestigasyon na hikayatin ang lahat ng kumpanya na maging tapat sa pagsunod sa naturang batas.

Dagdag pa nito, mayroon nang inisyal na ulat kaugnay dito ngunit itinanggi naman nitong ibahagi ang resulta.

Hindi aniya hahayaang magpabulag ng ahensiya sa sampung bilyong pisong kita na nawawala sa pamahalaan taun-taon lalo pa’t kailangan aniya ng gobyerno ang dagdag na kita para pondohan ang planong dagdag na imprastraktura sa bansa.

Samantala, nagsimulang iimplementa ng ahensiya ang Internal Revenue Stamps Integrated System sa mga produktong tabako noong 2014.

 

 

TAGS: BIR, fake stamps, BIR, fake stamps

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.