Alegasyon ng Amnesty International, paninira lamang sa Duterte admin-PNP
Mariing itinanggi ni Chief PNP Ronald Bato dela Rosa ang alegasyon ng Amnesty International na nagbabayad umano ang PNP sa mga pulis na makapapatay ng drug suspek
Ayon kay dela Rosa, unang-una, wala silang pondo para sa nasabing akusasyon at kung totoo man may nagbabayad, labas na dito ang PNP.
Kasunod nito, hinamon ni Dela Rosa ang Amnesty International na ilabas ang source na pulis na nagkwento ng nasabing alegasyon at dalhin sa Ombudsman para pormal na makapagsampa ng reklamo.
Mahirap aniyang paniwalaan ang mga source lang na pulis na walang pangalan.
Dahil dito giit ni General dela Rosa na isa na naman itong paninira sa administrasyong Duterte.
Sa report ng Amnesty International may isa umanong SPO1 ang nagkwento na nagbabayad ang PNP ng 8 libo hanggang 15 libong piso sa kada drug suspek na mapapatay ng pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.