Sundalo napatay ng hinihinalang NPA sa Davao Oriental

By Kabie Aenlle February 02, 2017 - 04:26 AM

Isang sundalo ang hinihinalang napatay sa pag-atake ng mga hinihinalang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa pinagsanib-pwersang grupo ng mga sundalo at pulis sa Brgy. Lambog sa Manay, Davao Oriental.

Ayon kay Capt. Rhyan Batchar na tagapagsalita ng Army 10th Infantry Division sa Compostela Valley, patungo sila sa Sitio Paliwason, ngunit hinarang sila ng mga armadong kalalakihan.

Isang hindi pa pinapangalanang junior officer ang nasawi dahil dito.

Reresponde lang sana ang grupo sa isang sumbong ng mga lokal na opisyal ng Brgy. Rizal at Lambog tungkol sa isang armadong grupo na nanggugulo sa mga residente.

Ayon pa kay Batchar, dahil sa mga panggugulo ng mga ito, ilang residente na ang lumisan sa kanilang mga lugar.

Nagpahayag naman ng kaniyang pakikiramay si 10th ID commander Maj. Gen. Rafael Valencia sa pamilya ng nasawing junior officer na nasawi sa isang karumal-dumal na insidente.

Samantala, tiniyak naman ni Batchar na hindi titigil ang 10th ID sa pagbibigay ng seguridad sa mga residenteng ginugulo ng mga armadong grupo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.