3rd update: 155 na ang sugatan sa sunog sa EPZA, Cavite

By Alvin Barcelona, Cyrille Cupino, Kabie Aenlle, Rod Lagusad February 01, 2017 - 08:33 PM

Danielle Alexis photo

(3rd Update) As of 1:10 ng madaling araw, umabot na sa 155  katao ang naitalang nasugatan sa sunog sa pabrika ng House  Technologies Industries PTE, (HTI) sa EPZA, Gen. Trias, Cavite na nagsimula kagabi.

Ang bilang ng mga nasugatan ay batay sa datos mula sa Philippine Red Cross (PRC).

Ayon kay Cavite Governor Boying Remulla, ang mga nasugatan ay dinala sa Divine Grace Medical Center, habang ang ilan ay isinugod sa General Trias Medical Center.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa power saw room ng gusali.epza fire2

Mula sa Task Force Delta, nasa fire under control status na lamang ang naturang sunog, ayon sa mga tauhan ng BFP.

Sa ngayon ay wala pang naitatalang patay, dahil kailangan rin munang tuluyang maapula ang sunog bago ito makumpirma pagkatapos ng kanilang magiging assessment.

 

Ayon kay Fire Officer 1 Russel Lorenzana ng BFP Cavite Provincial Office, itinawag ang nasabing sunog bandang 6:19 pm.

 

Karamihan sa mga itinakbo ay pawang mga nagtamo ng minor burns habang ang ilang ay seryoso ang tinamong sunog sa katawan.

Courtesy: Phil. Red Cross
Courtesy: Phil. Red Cross

Mahigpit naman na ang seguridad sa paligid ng gusali at hindi na hinahayaan ng mga otoridad na makalapit ang mga tao dahil baka mayroong sumabog na tangke mula sa loob ng gusali.

Patuloy pang inaapula ng mga bumbero ang naturang sunog, lalo’t pinangangambahang may ilan pang empleyadong na-trap sa naturang gusali.

Pawang combustible chemicals, stryropor, plastic at kahoy ang nasusunog kaya hindi pa rin ito maapula ng mga taga-pamatay sunog.

TAGS: BFP, cavite, EPZA, General Trias, sunog, BFP, cavite, EPZA, General Trias, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.