Amnesty International tinawag na pakialamero ni Speaker Alvarez
Binanatan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang Amnesty International kasunod ng puna nito na ang administrasyong Duterte ang nagsulsol sa mga otoridad na pumatay sa mga sabit sa ilegal na droga sa kasagsagan ng war against drugs.
Sa isang pulong balitaan, walang kaabog-abog na pinagsabihan ni Alvarez ang Amnesty International na huwag manghimasok sa panloob na sitwasyon ng Pilipinas.
Aniya, bakit nakikialam ang naturang grupo sa ating bansa gayung hindi sila ang may problema.
Bukod pa rito, isang sovereign country ang Pilipinas at kung anuman ang nangyayari ay hindi naman ang Amnesty International ang magdurusa.
Nauna nang sinabi ng Amnesty International na ang war against drugs ng administrasyong Duterte ay hindi talaga laban sa ilegal na droga kundi laban lamang sa mga mahihirap.
Sa ilalim din aniya ng pamahalaan ni Pangulong Duterte, ang pambansang pulisya ay silang lumalabag sa batas at kumikita rin sa kanilang pagpatay sa mga sangkot sa droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.